Bago ang Babae
Mabuti na lang at sa panahong ito ako
Ipinanganak na babae.
Hindi ko kailangang manahimik
Kung kailangang magsalita,
Hindi ko kailangang magsalita
Kung nais kong manahimik.
Hindi ko kailangang ipaliwanag
O hindi ipaliwanag ang bawat pagpapasiya.
Hindi ko kailangang sumunod sa inaasahan
Ng lahat, tulad ng pag-aasawa.
Kung mag-asawa man ako’y
Hindi ko kailangang magpalukob,
Hindi ko kailangang matakot
Kung dumating ang araw ng pakabalo,
O kailangan nang makipaghiwalay.
Hindi ko kailangang magkaanak nang labis
Kahit kaya kong panagutan.
Hindi ko kailangang malugmok sa lungkot
Sakali’t hindi ako magkaanak.
Kung kailangan ko mang gampanan
Ang pagiging ina at asawa,
Hindi ko kailangang humingi ng paumanhin,
Hindi ko kailangang panawan ng talino at lakas,
Hindi ko kailangang kalimutan ang lahat,
Hindi ko kailangang itakwil ang sarili,
Hindi ko kailangang burahin
Na isa akong tao
Bago isang babae.
—Rebecca T. Añonuevo
(The word “prosaic” is thrown during Heights delibs with a healthy spray of venom, but regardless of the fact that it is prosaic, I love this poem.)
-
thenorkfiles reblogged this from larispan
-
thenorkfiles liked this
-
disjuncts liked this
-
larispan posted this